By: Rodel P. Cadion
Nakapanayam
ng www.diaryongtagalog.com
ang isa sa doktor at professor ng College of Medicine, University of the
Philippines Manila na si Dr. Leslie Dalmacio ukol sa mga balita ngayon mula sa “Stem
Cells Therapy”, dito hiningi namin ang kanyang opinionkung ito ba ay
talagang epektibo sa taong may sakit at ito ba aytalagang malaki ang
maitutulong sa tao?, Sinabi ni Dr. Leslie Dalmacio na malaki ang maitutulong
nito sa taong may sakit ngunit wala pang magandang pag aaral at pag susuri kung
gaano ba ito ka epekto at kung gaano ba katagal ito magiging epektibo sa tao at
higit sa lahat kung ano ba ang magiging side-effect nito sa taong dumaan sa
ganitong proseso. Sinabi din nya na makikita naman natin sa ngayon kung ano ang
epekto ng Stem Cells Therapy sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Hon. Joseph
Ejercito Estrada, napag alaman namin na ang dating pangulo ng Pilipinas ay
dumaan sa nasabing operasyon na kung saan stem cells ng tupa ang isinalin sa
kanya at hindi maipag kakaila dahil kitang kita naman kung ano ang pinag bago at
naging epekto nito sa nasabing pangulo, Niliwanag din ni Dr Dalmacio na ang
ganitong proseso o operasyon ay hindi isang permanenteng operasyon sapagkat
wala pang pag susuri o pag aaral kung ito ba ay pwedeng gawin permanent o
hindi, dahil sabi nga ni Dr. Delmacio bilang doktor gusto nila na maging
permanent ang ganitong operasyon sapagkat may pagkamahal ang ganitong proseso,
ito ay aabot sa 1.5M to 2M kung saan masyadong mahal para sa mga gustong dumaan
sa ganitong opersyon na hindi naman permanente sa tao. Kaya ang payo ni Dr.
Dalmacio sa mga taong gustong dumaan sa ganitong operasyon ay mag isip muna ng
mabuti at mag tanong muna sa eksperto na doktor kung ano na ba ang pag aaral sa
ngayon sa Stem Cells Therapy para sa
bandang huli hindi kayo mag sisi at wala kayong sisisihin, dahil ang doktor ay
ginagawa lang ang kanilang mga trabaho sa abot nang
kanilang makakaya.
No comments:
Post a Comment