Tuesday, October 15, 2013

CLIMATE CHANGE MULING BINIGYAN PANSIN NG PAMBANSANG ACADEMYA NG PILIPINAS


By: Rodel P. Cadion

Muling idinaos ang Ikalawang-taon nang pagpupulong patungkol sa Climate Change na may tema “Linking Climate Knowledge to Action” na kung saan pinangunahan ng National Academy of Science and Technology, Philippines sa pamumuno ni Academician Rodel. D. Lasco na siya rin Senior Scientist/Philippine Programme Coordinator for World Agroforestry Centre (ICRAF), Dito napagusapan ang ibat-ibang uri ng problema ng bansa maging ang patungkol sa Siyensya at Teknolohiya. Sa talumpati na ibinahagi ni Hon. Mary Ann Lucille L. Sering, Secretary of Climate Change Commission, kanyang pinaulanan na ang Department of Science and Technology, DOST budget ay hindi tumataas ayon sa report, kaya’t ganun na lamang ang kakulangan natin sa mga bagay na dapat ay nagagawa sa tulong ng Siyensa at Teknolohiya, tulad nalang ng Project Noah ng DOST maganda ito kung titignan ngunit hindi ganun kagamit-gamit para sa publiko, dahil kung minsan mong bibisitahin ang kanilang website ito ay laging under-maintenance ngunit kahit papaano naman ay nakakapagbigay ng babala para sa mga mamamayan ayon kay Sec. Sering, dagdag pa niya na gumagawa sila ng iba’t ibang paraan kung papaano makikipag ugnayan sa mga eksperto sa ibat-ibang panig ng Pilipinas upang makipag tulungan para sa ikakalalago ng bawat mamamayan at ng bansa, layunin ng Climate Change Commission na mabawasan ang pagkawala ng buhay ng bawat mamamayan at mabawasan ang pagkalugi ng ekonomiya pagdating sa agrikultura, kaya’t nais niya na makita kung ano ba ang magandang kalalabasan ng nasabing pagpupulong patungkol sa Climate Change. Layunin naman ng nasabing pag pupulong na tukuyin ang pinakamahalagang usapin patungkol sa Research and Development sa bansa at makapagbigay ng isang resolusyon na magagamit para sa ikakaunlad ng bawat isa.

 

Sa kabilang banda pinangunahan ni Academician William G. Padolina, President of National Academy of Science and Technology, Philippines at Hon. Mary Ann Lucille L. Sering, Secretary of Climate Change Commission ang pag bubukas ng Scientific Poster Session sa nasabing pagpupulong, ang Scientific Poster Award sa nasabing pagpupulong ay kabilang sa taunang sesyon na kung saan ay pinaglalaban-laban ng Ibat-ibang institusyon. Ngayon 2013 ang nagwagi sa nasabing Scientific Poster Award ay: First Place “Creating Climate-Disaster Resiliency on the Indigenous People, “Tagbanuas”, in Coron, Palawan” Aldin Victor Bernardo, Joyce Maghacot, Alyana Zen Rodriguez, Victor Angelo Fuentebella, Angel Lee, Ralph Laurence Gulfo and Glenn Banaguas. Second Place “The Effects of Coal-fired Power Plant Emissions on the Stable Carbon and Nitrogen Signatures of C3 Plants” Raymond J. Sucgang, Preciosa Corazon Pabroa, Christina Petrache, Jaika Faye Bulanhagui, Charmane Legaspi, Elaine Niegas, Lorna Enerva, Arnicole Luces, Normaliza Hj. Abdul Manaf. Third Place “The Need for Ground-based Remote Sensing of Greenhouse Gases in the Philippines” Ronald C. Macatangay, Voltaire A. Velazco, David W. T. Griffith; “Zero Water-Waste Distillation on the Production of Fuel-Grade Hydrous Ethanol” Roque A. Ulep.

Sunday, September 22, 2013

GENDER AND POLITICS PINAGUSAPAN

By: Rodel P. Cadion 

 

Sa isinagawang pagpupulong patungkol sa Gender and Politics ng National Academy of Science and Technology, Philippines noong ika 3 ng September 2013 na ginanap sa Hyatt Hotel, Manila, Iba’t ibang mungkahi ang naibigay ng mga dumalo dito tulad nalang ng mga naging tagapagsalita sa nasabing pagpupulong. Ngunit bago sinimulan ang nasabing pagpupulong ibinahagi muna ni Dr. Michael Tan, Isang College Dean, De La Salle University, College of Social Sciences and Philosophy at Academician, National Academy of Science and Technology, Philippines ang Layunin ng nasabing pagpupulong na kung saan nais na maiparating hindi lamang sa Government kundi maging sa Non-Government Organisation at Private Sector ang mga nagagawang resolusyon at pagpupulong na ginagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines upang malaman ng bawat isa kung ano ba ang kulang sa ating bansa at kung ano ba ang kasalukuyan nagiging problema natin. Si Prof. Josefa S. Francisco isang Department Chairperson, International Studies, Miriam College at General Coordinator, Development Alternatives with Women for the New Era, ang naging unang tagapag salita na kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga makatotohanang nangyayari sa Pulitika pagdating ng eleksyon at ang sinasabing “Quota System”. Sinabi niya na sa gobyerno hindi lang naman dapat ang mga kalalakihan ang dapat bigyan nang pagkakataon na maka-umupo sa pwesto dahil tulad din ng mga kababaihan may lakas at sapat na kaalaman din naman sila pagdating sa pamumuno sa isang lungsod o bansa. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Ms. Alice Herrera, Vice Mayor of Quezon City, naging pangalawang tagapagsalita sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa mga kababaihan pagdating sa pulitika, lubos niyang ikinagalak ang kontribusyon ng ilang kababaihan sa ating bansa at naging halimbawa nalang niya dito si Senator Miriam Defensor-Santiago. Naibahagi din niya na noong May 2010 both National and Local Election Survey ng Statistics of Commission of Women (COW) 18.4% ang bilang ng mga kababaihan ang nahalal sa pulitika, mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang 2007 election na may 17% lamang ang bilang ng kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa gobyerno (Both National and Local). Dagdag pa niya na pagdating sa botohan mas maraming kababaihan ang bumoboto kung ikukumpara sa mga lalaki. Si Ms. Laraine Sarmiento naman ang huling naging tagapagsalita, Isang Professor, UP Diliman, College of Social Sciences and Philosophy, kung saan ibinahagi naman niya ang bilang ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanyang presentasyon sa nasabing pagpupulong na kung saan ay mga nahalal noong mga nakaraang eleksyon hanggang sa nagdaang 2013 eleksyon. Aniya ang mga kababaihan ay may karapatan din na magdesisyon para sa ikagaganda ng isang lungsod o bansa ngunit paano ba maririnig ang boses ng mga kababaihan kung hindi pakikinggan. Sa pagtatapos, isang pasasalamat ang ibinigay ni Dr. Michael Tan sa mga naging tagapagsalita at kung saan siya din ang naging synthesizer sa nasabing pagpupulong.


MAKABAGONG KABATAAN SA PANIBAGONG PAGASA



By: Rodel P. Cadion

Isang seminar ang isinagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines para sa mga High School Students na kung saan naman ay dinaluhan ng Iba’t ibang eskwelahan sa kamaynilaan, layunin ng nasabing seminar na maipamulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng Siyensya at Teknolohiya, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa sa Siyensya at Teknolohiya tulad nila Dr. Kathleen B. Aviso Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Michael Angelo B. Promentilla Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Thomas Edison E. De La Cruz Professor ng University of Santo Tomas College of Biological Sciences at 2012 awardee ng Outstanding Young Scientist, Ms. Susana F. Esquivel isang Science Research Specialist II ng Science Education Institute – Department of Science and Technology, kanilang ibinahagi ang kanilang mga naging karanasan pag dating sa pagaaral ng Siyensa at Teknolohiya, dito kanilang kinuha ang simpatya ng bawat estudyante para malaman kung ano ba talaga ang gusto nila pag dating sa kolehiyo at kanila din ipinaintindi kung ano ba ang kanilang magiging kinabukasan kung ang kukuhain nila na kurso sa kolehiyo ay mula sa Siyensa at Teknolohiya, ngunit sa pangwakas na pananalita ni Ms. Luningning E. Samarita-Domingo, Director IV ng National Academy of Science and Technology, Philippines kaniyang ibinigay mensahe na tiyakin dapat nasa puso ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi magsisi sa huli dahil ang kursong kukunin ay nasa kagustuhan ng bawat estudyante.

Monday, May 20, 2013

Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista"


 By: Rodel P. Cadion

Sa pakikipag-panayam ng www.diaryongtagalog.com kay Dr. Leslie Delmacio na isa rin Professor sa College of Medicine ng University of The Philippines Manila, Isang pagliliwanag at pag kaklaro ang hiningi namin mula sa maling impormasyon ng commercial ni Heart Evangelista na Creamsilk Conditioner sapagkat nasabi dito na “keratin, the DNA of Hair health and beauty“ naayon kay Dr. Dalmacio hindi naman daw DNA of Hair ang Keratin, Sapagkat ang keratin ay protein na nanggagaling sa DNA. Sa pagsasalaysay ni Dr. Dalmacio kaniya pang idinagdag na kanila nang sinulatan ang Creamsilk Company na kung saan ay kanila lang niliwanag ang dapat na itama sa nasabing commercial, sapagkat mali daw ang kanilang linya na kung saan ito ay binigyan buhay ni Ms. Heart Evangelista, ngunit walang sagot mula sa kanilang sulat na ipinadala. Ayon kay Dr. Dalmacio sana sa mga endorser company ay kanila muna ikunsulta ang kanilang ilalabas na impormasyon sa publiko sa isang eksperto at higit sa lahat aralin mabuti ang script na gagawin, sapagkat kung minsan nagkakaroon ng maling interpretasyon ang mga publiko o masa sa mga lumalabas na impormasyon sa telebisyon.

Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba?


By: Rodel P. Cadion

Nakapanayam ng www.diaryongtagalog.com ang isa sa doktor at professor ng College of Medicine, University of the Philippines Manila na si Dr. Leslie Dalmacio ukol sa mga balita ngayon mula sa “Stem Cells Therapy”, dito hiningi namin ang kanyang opinionkung ito ba ay talagang epektibo sa taong may sakit at ito ba aytalagang malaki ang maitutulong sa tao?, Sinabi ni Dr. Leslie Dalmacio na malaki ang maitutulong nito sa taong may sakit ngunit wala pang magandang pag aaral at pag susuri kung gaano ba ito ka epekto at kung gaano ba katagal ito magiging epektibo sa tao at higit sa lahat kung ano ba ang magiging side-effect nito sa taong dumaan sa ganitong proseso. Sinabi din nya na makikita naman natin sa ngayon kung ano ang epekto ng Stem Cells Therapy sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Hon. Joseph Ejercito Estrada, napag alaman namin na ang dating pangulo ng Pilipinas ay dumaan sa nasabing operasyon na kung saan stem cells ng tupa ang isinalin sa kanya at hindi maipag kakaila dahil kitang kita naman kung ano ang pinag bago at naging epekto nito sa nasabing pangulo, Niliwanag din ni Dr Dalmacio na ang ganitong proseso o operasyon ay hindi isang permanenteng operasyon sapagkat wala pang pag susuri o pag aaral kung ito ba ay pwedeng gawin permanent o hindi, dahil sabi nga ni Dr. Delmacio bilang doktor gusto nila na maging permanent ang ganitong operasyon sapagkat may pagkamahal ang ganitong proseso, ito ay aabot sa 1.5M to 2M kung saan masyadong mahal para sa mga gustong dumaan sa ganitong opersyon na hindi naman permanente sa tao. Kaya ang payo ni Dr. Dalmacio sa mga taong gustong dumaan sa ganitong operasyon ay mag isip muna ng mabuti at mag tanong muna sa eksperto na doktor kung ano na ba ang pag aaral sa ngayon sa Stem Cells Therapy para sa bandang huli hindi kayo mag sisi at wala kayong sisisihin, dahil ang doktor ay ginagawa lang ang kanilang mga trabaho sa abot nang kanilang makakaya.

Tuesday, April 9, 2013

Innovation Congress at Taguig City



Philippine Technology Innovation Tinalakay sa naganap na Innovation Congress (ICON)
By: Rodel P. Cadion

Sa ginanap na Innovation Congress (ICON) na may temang Innovation Speak (I-Speak) sa Taguig City ibinahagi ni Ms. Lyn Resurreccion, Former President of Philippine Science of Journalists Association Inc. (PSciJourn) and Editor of Science Page of Business Mirror ang pagkakaiba ng paglalabas ng mga balita noon at sa ngayon, sapagkat taong 90’s hindi gasino natutuunan ng pansin ang Siyensa at Teknolohiya sa pag babalita hindi tulad ngayon sa kasalukuyan nagkaroon na nang mga talakayin mula sa mga makabagong teknolohiya tulad nang mga pinaguusapan ngayon Biotechnology eg. Bt Corn, Bt. Eggplant, Climate Change, Renewable Energy, mula dito makikita mo ang pagbabago ng pahayagan ito man ay maging sa radio, telebisyon o diaryo. kaya sinabi nya rin na naging malaking tulong ang pag bubuo ng Philippine Science of Journalists Association Inc. (PSciJourn) para sa iisang adbokasiya sa pamamahayag para Siyensa at Teknolohiya, Samantalang si Mr. Raymund Liboro, Assistant Secretary of Department of Science and Technology (DoST) at Director of Science and Technology Institute of Information (STII) ay nagbahagi din ng isang mensahe para sa role of media sa pagpapahayag ng Science and Technology, ayun sa kanya malaki ang parte ng media sa pag babalita sapagkat ito ang pinagkukunan nang mga impormasyon ng publiko, kaya marapat lamang na ang balitang inilalathala ay nasa tamang impormasyon lalo na pag ito ay patungkol sa Siyensa at Teknolohiya, maging ang Editor ng Yahoo Philippines na si Mr. Erwin Oliva ay ibinahagi din ang kanyang kaalaman tungkol sa pag lalahathala ng mga impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya sapagkat hindi lang ang telebisyon, radio at diaryo ang maaring maging paraan para mapag kunan nang mga balita dahil nga nasa makabagong panahon na tayo nandyan na ang mga social media na kung saan pwede mo mabasa ang mga balita gamit ang Internet, sinabi nya din na ang internet ngayon ang malakas na paraan para sa pagkukuhaan nang mga impormasyon dahil hindi lang mga media ang nag babalita sa ngayon dahil nandyan na din at naglalabasan ang mga Blogs kung tawagin na kung saan nag babalita narin maging ang mga ordinaryong tao, ibinahagi nya din na ang bilang sa ngayon ng populasyon sa Pilipinas ay nasa 105,720,644 as of 2013 at ang 30 Million dito ay gumagamit ngayon ng Internet at pumapasok sa mga website tulad ng Facebook (FB) kung saan kilalang kilala sa ngayon. Sa kabilang banda ibinahagi ni Cong. Angelo Palmones ng Agham Party List ang kakaibang gawa ng mga politiko pag dating sa pangangampanya, ayon sa kanya ibang iba na ang mga politiko sa ngayon lalo na sa mga probinsya sapagkat sa ngayon maging ang ating kalikasan ay kanila nang ginagamit sa pangangampanya tulad ng pagpapako at pagdidikit ng kanilang campaign materials sa puno, kung saan ito ay ating napapakinabangan kaya sinabi niya na papano susunod ang ating nasasakupan kung mismo ang namumuno ay hindi sumusunod sa patakaran at batas na inilalathala? Kaya’t kanyang ibinahagi na sa House Bill 3539 ay nasusulat na hindi dapat paglagyan ng mga posters o anumang mga anunsyo ang mga puno na nakatayo sa tabing kalsada at sa iba pang pang-publikong daan, sa kanyang pagtatapos sinabi nya bakit hindi simulan ang pagbabago? At ang pagbabago ay mag sisimula sa atin. Mula naman kay Academician Filemon Uriarte, Jr. ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST Phl) ibahagi nya ang kanyang pagaaral mula sa pagbaba at pagtaas ng ating ranking pagdating sa Trade Industry, Exchange Stock, Gross Domestic Product at Investment, sinabi nya na ang Pilipinas ay “kulelat” pagdating sa sinasabing innovation, kaya’t kanyang imungkahi na magkaroon sana ng pagbabago sa ating bansa at magtayo ng isang partnership na mula sa government, academe at mga private sector at kanya ding ipinadinig kay Cong. Angelo Palmones na sana ay taasan ng gobyerno ang pondo ng Research and Development and Innovation-related Activities at sa huling pagsasalita si Dr. Cecilia Reyes. Executive Director of National Research Council of the Philippines (NRCP) ay nagbahagi ng isang report mula sa Universities & Research Council Network on Innovation for Inclusive Development-Southeast Asia at sa pagtatapos sa pangungana ni National Scientists Lourdes J. Cruz, National Academy of Science and Technology and President of National Research Council of the Philippines sinabi niya na “SIMULAN ANG PAGBABAGO”. Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa pangunguna ng Hyundai Asia Resources, Inc. (HARI)at sa pakikipag tulungan ng Department of Science and Technology (DOST), Science and Technology Information Institute(STII), Association of Vehicle Importers and Distribution (AVID) noong ika-6 ng Abril 2013 sa Global City sa Taguig.