Sunday, September 22, 2013

GENDER AND POLITICS PINAGUSAPAN

By: Rodel P. Cadion 

 

Sa isinagawang pagpupulong patungkol sa Gender and Politics ng National Academy of Science and Technology, Philippines noong ika 3 ng September 2013 na ginanap sa Hyatt Hotel, Manila, Iba’t ibang mungkahi ang naibigay ng mga dumalo dito tulad nalang ng mga naging tagapagsalita sa nasabing pagpupulong. Ngunit bago sinimulan ang nasabing pagpupulong ibinahagi muna ni Dr. Michael Tan, Isang College Dean, De La Salle University, College of Social Sciences and Philosophy at Academician, National Academy of Science and Technology, Philippines ang Layunin ng nasabing pagpupulong na kung saan nais na maiparating hindi lamang sa Government kundi maging sa Non-Government Organisation at Private Sector ang mga nagagawang resolusyon at pagpupulong na ginagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines upang malaman ng bawat isa kung ano ba ang kulang sa ating bansa at kung ano ba ang kasalukuyan nagiging problema natin. Si Prof. Josefa S. Francisco isang Department Chairperson, International Studies, Miriam College at General Coordinator, Development Alternatives with Women for the New Era, ang naging unang tagapag salita na kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga makatotohanang nangyayari sa Pulitika pagdating ng eleksyon at ang sinasabing “Quota System”. Sinabi niya na sa gobyerno hindi lang naman dapat ang mga kalalakihan ang dapat bigyan nang pagkakataon na maka-umupo sa pwesto dahil tulad din ng mga kababaihan may lakas at sapat na kaalaman din naman sila pagdating sa pamumuno sa isang lungsod o bansa. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Ms. Alice Herrera, Vice Mayor of Quezon City, naging pangalawang tagapagsalita sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa mga kababaihan pagdating sa pulitika, lubos niyang ikinagalak ang kontribusyon ng ilang kababaihan sa ating bansa at naging halimbawa nalang niya dito si Senator Miriam Defensor-Santiago. Naibahagi din niya na noong May 2010 both National and Local Election Survey ng Statistics of Commission of Women (COW) 18.4% ang bilang ng mga kababaihan ang nahalal sa pulitika, mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang 2007 election na may 17% lamang ang bilang ng kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa gobyerno (Both National and Local). Dagdag pa niya na pagdating sa botohan mas maraming kababaihan ang bumoboto kung ikukumpara sa mga lalaki. Si Ms. Laraine Sarmiento naman ang huling naging tagapagsalita, Isang Professor, UP Diliman, College of Social Sciences and Philosophy, kung saan ibinahagi naman niya ang bilang ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanyang presentasyon sa nasabing pagpupulong na kung saan ay mga nahalal noong mga nakaraang eleksyon hanggang sa nagdaang 2013 eleksyon. Aniya ang mga kababaihan ay may karapatan din na magdesisyon para sa ikagaganda ng isang lungsod o bansa ngunit paano ba maririnig ang boses ng mga kababaihan kung hindi pakikinggan. Sa pagtatapos, isang pasasalamat ang ibinigay ni Dr. Michael Tan sa mga naging tagapagsalita at kung saan siya din ang naging synthesizer sa nasabing pagpupulong.


MAKABAGONG KABATAAN SA PANIBAGONG PAGASA



By: Rodel P. Cadion

Isang seminar ang isinagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines para sa mga High School Students na kung saan naman ay dinaluhan ng Iba’t ibang eskwelahan sa kamaynilaan, layunin ng nasabing seminar na maipamulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng Siyensya at Teknolohiya, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa sa Siyensya at Teknolohiya tulad nila Dr. Kathleen B. Aviso Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Michael Angelo B. Promentilla Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Thomas Edison E. De La Cruz Professor ng University of Santo Tomas College of Biological Sciences at 2012 awardee ng Outstanding Young Scientist, Ms. Susana F. Esquivel isang Science Research Specialist II ng Science Education Institute – Department of Science and Technology, kanilang ibinahagi ang kanilang mga naging karanasan pag dating sa pagaaral ng Siyensa at Teknolohiya, dito kanilang kinuha ang simpatya ng bawat estudyante para malaman kung ano ba talaga ang gusto nila pag dating sa kolehiyo at kanila din ipinaintindi kung ano ba ang kanilang magiging kinabukasan kung ang kukuhain nila na kurso sa kolehiyo ay mula sa Siyensa at Teknolohiya, ngunit sa pangwakas na pananalita ni Ms. Luningning E. Samarita-Domingo, Director IV ng National Academy of Science and Technology, Philippines kaniyang ibinigay mensahe na tiyakin dapat nasa puso ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi magsisi sa huli dahil ang kursong kukunin ay nasa kagustuhan ng bawat estudyante.