Sunday, March 9, 2014

Araw ng Kababaihan idinaos sa Quirino Grandstand



Idinaos ang buwan ng mga kababaihan noong ika-08 ng Marso na ginanap sa Quirino Grandstand, Manila, Philippines. Layunin ng nasabing pagdiriwang na maipagmalaki ang kahusayan ng bawat kababaihan sa mundo sa anumang aspeto sa buhay at mabigyang ng sapat at pantay na respeto sa lipunan, sapagkat alam ng bawat isa na ang pagiging isang babae ay isang mahalagang tulong o kontribusyon sa mundo. Katuwang ng Philippine Commission on Women ang Coca-Cola Philippines at Arm forces of the Philippines sa nasabing pagdiriwang, at ang isa pa sa nais ng nasabing pagdiriwang ay makagawa ng record sa Guinness World Record na makabuo ng isang malaking symbolo ng kababaihan na may bilang na 10,000 mula sa partisipasyon ng bawat kababaihan. Dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, pribadong kumpanya at NGOs ang pagdiriwang na ito, sapagkat naniniwala sila na malaki ang kontribusyon ng kababaihan sa bansa.

Pinangunahan ni Ms. Emmeline Verzosa, Executive Director ng Philippine Commission on Women (PCW) ang nasabing pagdiriwang na kung saan nagbigay siya ng isang mensahe sa mga kababaihan na may panghihikayat na sa bawat pagsubok maging matatag at laging lumaban, Samantalang si Atty. Adel Tamano, Coca-Cola Philippines Vice-President for Public Affairs and Communications ay nagbahagi ng isang pagkilala sa mga kababaihan na kung saan ay nagkakaloob sila ng sari-sari store para sa mga kababaihan upang makatulong sa pagunlad sa buhay at higit sa lahat ay isinusulong din ng Coca-Cola Philippines ang kanilang programa na “5by20” na kung saan nagbibigay sila ng mga training programs sa mga kababaihan upang sa tantya nila na sa taong 2020 marami pa sa mga kababaihan ang may maayos at magandang negosyo hindi lang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 Ang pag diriwang na ito ay may tema na: “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong”. (Rodel Paches-Cadion)

Tuesday, October 15, 2013

CLIMATE CHANGE MULING BINIGYAN PANSIN NG PAMBANSANG ACADEMYA NG PILIPINAS


By: Rodel P. Cadion

Muling idinaos ang Ikalawang-taon nang pagpupulong patungkol sa Climate Change na may tema “Linking Climate Knowledge to Action” na kung saan pinangunahan ng National Academy of Science and Technology, Philippines sa pamumuno ni Academician Rodel. D. Lasco na siya rin Senior Scientist/Philippine Programme Coordinator for World Agroforestry Centre (ICRAF), Dito napagusapan ang ibat-ibang uri ng problema ng bansa maging ang patungkol sa Siyensya at Teknolohiya. Sa talumpati na ibinahagi ni Hon. Mary Ann Lucille L. Sering, Secretary of Climate Change Commission, kanyang pinaulanan na ang Department of Science and Technology, DOST budget ay hindi tumataas ayon sa report, kaya’t ganun na lamang ang kakulangan natin sa mga bagay na dapat ay nagagawa sa tulong ng Siyensa at Teknolohiya, tulad nalang ng Project Noah ng DOST maganda ito kung titignan ngunit hindi ganun kagamit-gamit para sa publiko, dahil kung minsan mong bibisitahin ang kanilang website ito ay laging under-maintenance ngunit kahit papaano naman ay nakakapagbigay ng babala para sa mga mamamayan ayon kay Sec. Sering, dagdag pa niya na gumagawa sila ng iba’t ibang paraan kung papaano makikipag ugnayan sa mga eksperto sa ibat-ibang panig ng Pilipinas upang makipag tulungan para sa ikakalalago ng bawat mamamayan at ng bansa, layunin ng Climate Change Commission na mabawasan ang pagkawala ng buhay ng bawat mamamayan at mabawasan ang pagkalugi ng ekonomiya pagdating sa agrikultura, kaya’t nais niya na makita kung ano ba ang magandang kalalabasan ng nasabing pagpupulong patungkol sa Climate Change. Layunin naman ng nasabing pag pupulong na tukuyin ang pinakamahalagang usapin patungkol sa Research and Development sa bansa at makapagbigay ng isang resolusyon na magagamit para sa ikakaunlad ng bawat isa.

 

Sa kabilang banda pinangunahan ni Academician William G. Padolina, President of National Academy of Science and Technology, Philippines at Hon. Mary Ann Lucille L. Sering, Secretary of Climate Change Commission ang pag bubukas ng Scientific Poster Session sa nasabing pagpupulong, ang Scientific Poster Award sa nasabing pagpupulong ay kabilang sa taunang sesyon na kung saan ay pinaglalaban-laban ng Ibat-ibang institusyon. Ngayon 2013 ang nagwagi sa nasabing Scientific Poster Award ay: First Place “Creating Climate-Disaster Resiliency on the Indigenous People, “Tagbanuas”, in Coron, Palawan” Aldin Victor Bernardo, Joyce Maghacot, Alyana Zen Rodriguez, Victor Angelo Fuentebella, Angel Lee, Ralph Laurence Gulfo and Glenn Banaguas. Second Place “The Effects of Coal-fired Power Plant Emissions on the Stable Carbon and Nitrogen Signatures of C3 Plants” Raymond J. Sucgang, Preciosa Corazon Pabroa, Christina Petrache, Jaika Faye Bulanhagui, Charmane Legaspi, Elaine Niegas, Lorna Enerva, Arnicole Luces, Normaliza Hj. Abdul Manaf. Third Place “The Need for Ground-based Remote Sensing of Greenhouse Gases in the Philippines” Ronald C. Macatangay, Voltaire A. Velazco, David W. T. Griffith; “Zero Water-Waste Distillation on the Production of Fuel-Grade Hydrous Ethanol” Roque A. Ulep.

Sunday, September 22, 2013

GENDER AND POLITICS PINAGUSAPAN

By: Rodel P. Cadion 

 

Sa isinagawang pagpupulong patungkol sa Gender and Politics ng National Academy of Science and Technology, Philippines noong ika 3 ng September 2013 na ginanap sa Hyatt Hotel, Manila, Iba’t ibang mungkahi ang naibigay ng mga dumalo dito tulad nalang ng mga naging tagapagsalita sa nasabing pagpupulong. Ngunit bago sinimulan ang nasabing pagpupulong ibinahagi muna ni Dr. Michael Tan, Isang College Dean, De La Salle University, College of Social Sciences and Philosophy at Academician, National Academy of Science and Technology, Philippines ang Layunin ng nasabing pagpupulong na kung saan nais na maiparating hindi lamang sa Government kundi maging sa Non-Government Organisation at Private Sector ang mga nagagawang resolusyon at pagpupulong na ginagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines upang malaman ng bawat isa kung ano ba ang kulang sa ating bansa at kung ano ba ang kasalukuyan nagiging problema natin. Si Prof. Josefa S. Francisco isang Department Chairperson, International Studies, Miriam College at General Coordinator, Development Alternatives with Women for the New Era, ang naging unang tagapag salita na kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga makatotohanang nangyayari sa Pulitika pagdating ng eleksyon at ang sinasabing “Quota System”. Sinabi niya na sa gobyerno hindi lang naman dapat ang mga kalalakihan ang dapat bigyan nang pagkakataon na maka-umupo sa pwesto dahil tulad din ng mga kababaihan may lakas at sapat na kaalaman din naman sila pagdating sa pamumuno sa isang lungsod o bansa. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Ms. Alice Herrera, Vice Mayor of Quezon City, naging pangalawang tagapagsalita sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa mga kababaihan pagdating sa pulitika, lubos niyang ikinagalak ang kontribusyon ng ilang kababaihan sa ating bansa at naging halimbawa nalang niya dito si Senator Miriam Defensor-Santiago. Naibahagi din niya na noong May 2010 both National and Local Election Survey ng Statistics of Commission of Women (COW) 18.4% ang bilang ng mga kababaihan ang nahalal sa pulitika, mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang 2007 election na may 17% lamang ang bilang ng kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa gobyerno (Both National and Local). Dagdag pa niya na pagdating sa botohan mas maraming kababaihan ang bumoboto kung ikukumpara sa mga lalaki. Si Ms. Laraine Sarmiento naman ang huling naging tagapagsalita, Isang Professor, UP Diliman, College of Social Sciences and Philosophy, kung saan ibinahagi naman niya ang bilang ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanyang presentasyon sa nasabing pagpupulong na kung saan ay mga nahalal noong mga nakaraang eleksyon hanggang sa nagdaang 2013 eleksyon. Aniya ang mga kababaihan ay may karapatan din na magdesisyon para sa ikagaganda ng isang lungsod o bansa ngunit paano ba maririnig ang boses ng mga kababaihan kung hindi pakikinggan. Sa pagtatapos, isang pasasalamat ang ibinigay ni Dr. Michael Tan sa mga naging tagapagsalita at kung saan siya din ang naging synthesizer sa nasabing pagpupulong.


MAKABAGONG KABATAAN SA PANIBAGONG PAGASA



By: Rodel P. Cadion

Isang seminar ang isinagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines para sa mga High School Students na kung saan naman ay dinaluhan ng Iba’t ibang eskwelahan sa kamaynilaan, layunin ng nasabing seminar na maipamulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng Siyensya at Teknolohiya, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa sa Siyensya at Teknolohiya tulad nila Dr. Kathleen B. Aviso Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Michael Angelo B. Promentilla Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Thomas Edison E. De La Cruz Professor ng University of Santo Tomas College of Biological Sciences at 2012 awardee ng Outstanding Young Scientist, Ms. Susana F. Esquivel isang Science Research Specialist II ng Science Education Institute – Department of Science and Technology, kanilang ibinahagi ang kanilang mga naging karanasan pag dating sa pagaaral ng Siyensa at Teknolohiya, dito kanilang kinuha ang simpatya ng bawat estudyante para malaman kung ano ba talaga ang gusto nila pag dating sa kolehiyo at kanila din ipinaintindi kung ano ba ang kanilang magiging kinabukasan kung ang kukuhain nila na kurso sa kolehiyo ay mula sa Siyensa at Teknolohiya, ngunit sa pangwakas na pananalita ni Ms. Luningning E. Samarita-Domingo, Director IV ng National Academy of Science and Technology, Philippines kaniyang ibinigay mensahe na tiyakin dapat nasa puso ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi magsisi sa huli dahil ang kursong kukunin ay nasa kagustuhan ng bawat estudyante.