Tuesday, April 9, 2013

Innovation Congress at Taguig City



Philippine Technology Innovation Tinalakay sa naganap na Innovation Congress (ICON)
By: Rodel P. Cadion

Sa ginanap na Innovation Congress (ICON) na may temang Innovation Speak (I-Speak) sa Taguig City ibinahagi ni Ms. Lyn Resurreccion, Former President of Philippine Science of Journalists Association Inc. (PSciJourn) and Editor of Science Page of Business Mirror ang pagkakaiba ng paglalabas ng mga balita noon at sa ngayon, sapagkat taong 90’s hindi gasino natutuunan ng pansin ang Siyensa at Teknolohiya sa pag babalita hindi tulad ngayon sa kasalukuyan nagkaroon na nang mga talakayin mula sa mga makabagong teknolohiya tulad nang mga pinaguusapan ngayon Biotechnology eg. Bt Corn, Bt. Eggplant, Climate Change, Renewable Energy, mula dito makikita mo ang pagbabago ng pahayagan ito man ay maging sa radio, telebisyon o diaryo. kaya sinabi nya rin na naging malaking tulong ang pag bubuo ng Philippine Science of Journalists Association Inc. (PSciJourn) para sa iisang adbokasiya sa pamamahayag para Siyensa at Teknolohiya, Samantalang si Mr. Raymund Liboro, Assistant Secretary of Department of Science and Technology (DoST) at Director of Science and Technology Institute of Information (STII) ay nagbahagi din ng isang mensahe para sa role of media sa pagpapahayag ng Science and Technology, ayun sa kanya malaki ang parte ng media sa pag babalita sapagkat ito ang pinagkukunan nang mga impormasyon ng publiko, kaya marapat lamang na ang balitang inilalathala ay nasa tamang impormasyon lalo na pag ito ay patungkol sa Siyensa at Teknolohiya, maging ang Editor ng Yahoo Philippines na si Mr. Erwin Oliva ay ibinahagi din ang kanyang kaalaman tungkol sa pag lalahathala ng mga impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya sapagkat hindi lang ang telebisyon, radio at diaryo ang maaring maging paraan para mapag kunan nang mga balita dahil nga nasa makabagong panahon na tayo nandyan na ang mga social media na kung saan pwede mo mabasa ang mga balita gamit ang Internet, sinabi nya din na ang internet ngayon ang malakas na paraan para sa pagkukuhaan nang mga impormasyon dahil hindi lang mga media ang nag babalita sa ngayon dahil nandyan na din at naglalabasan ang mga Blogs kung tawagin na kung saan nag babalita narin maging ang mga ordinaryong tao, ibinahagi nya din na ang bilang sa ngayon ng populasyon sa Pilipinas ay nasa 105,720,644 as of 2013 at ang 30 Million dito ay gumagamit ngayon ng Internet at pumapasok sa mga website tulad ng Facebook (FB) kung saan kilalang kilala sa ngayon. Sa kabilang banda ibinahagi ni Cong. Angelo Palmones ng Agham Party List ang kakaibang gawa ng mga politiko pag dating sa pangangampanya, ayon sa kanya ibang iba na ang mga politiko sa ngayon lalo na sa mga probinsya sapagkat sa ngayon maging ang ating kalikasan ay kanila nang ginagamit sa pangangampanya tulad ng pagpapako at pagdidikit ng kanilang campaign materials sa puno, kung saan ito ay ating napapakinabangan kaya sinabi niya na papano susunod ang ating nasasakupan kung mismo ang namumuno ay hindi sumusunod sa patakaran at batas na inilalathala? Kaya’t kanyang ibinahagi na sa House Bill 3539 ay nasusulat na hindi dapat paglagyan ng mga posters o anumang mga anunsyo ang mga puno na nakatayo sa tabing kalsada at sa iba pang pang-publikong daan, sa kanyang pagtatapos sinabi nya bakit hindi simulan ang pagbabago? At ang pagbabago ay mag sisimula sa atin. Mula naman kay Academician Filemon Uriarte, Jr. ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST Phl) ibahagi nya ang kanyang pagaaral mula sa pagbaba at pagtaas ng ating ranking pagdating sa Trade Industry, Exchange Stock, Gross Domestic Product at Investment, sinabi nya na ang Pilipinas ay “kulelat” pagdating sa sinasabing innovation, kaya’t kanyang imungkahi na magkaroon sana ng pagbabago sa ating bansa at magtayo ng isang partnership na mula sa government, academe at mga private sector at kanya ding ipinadinig kay Cong. Angelo Palmones na sana ay taasan ng gobyerno ang pondo ng Research and Development and Innovation-related Activities at sa huling pagsasalita si Dr. Cecilia Reyes. Executive Director of National Research Council of the Philippines (NRCP) ay nagbahagi ng isang report mula sa Universities & Research Council Network on Innovation for Inclusive Development-Southeast Asia at sa pagtatapos sa pangungana ni National Scientists Lourdes J. Cruz, National Academy of Science and Technology and President of National Research Council of the Philippines sinabi niya na “SIMULAN ANG PAGBABAGO”. Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa pangunguna ng Hyundai Asia Resources, Inc. (HARI)at sa pakikipag tulungan ng Department of Science and Technology (DOST), Science and Technology Information Institute(STII), Association of Vehicle Importers and Distribution (AVID) noong ika-6 ng Abril 2013 sa Global City sa Taguig.


International Conference in Biotech Crops



Biotech Crops in the Developing World: Case Studies of Farmers from China, India and the Philippines Pinagusapan sa isang Malaking Pagpupulong
By: Rodel P. Cadion

Sa malaking pagpupulong na ginawa noong ika-1 ng Abril taong 2013 sa pangunguna ng International Service for the Acquisition of Agri-biotech Application (ISAAA). Isang magandang bahagian ng pagaaral at karanasan mula sa Biotechnology ang ginanap dito at ito ay dinaluhan ng ibat-ibang tao na may adhikain na isulong ang Biotechnology, ang dumalo dito ay buhat pa sa ibat-ibang bansa, kabilang na dito ang bansang Bangladesh, Cambodia, China, Egypt, India, Indonesia, Iran, Kenya, Laos, Malaysia, Pakistan, Peru, Thailand, Uganda, USA at Vietnam, Sa pangunguna ni Dr. Virgina Cardenas mula sa kanyang mensahe, sinabi niya na nais nya na ang nasabing conference ay magkaroon ng isang magandang resulta para sa pagsusulong ng Biotechnology hindi lamang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa at ito ay maisalin sa working policy recommendations kasama na ang working biosafety regulatory system kung saan ay maibahagi din sa ibat- ibang bansa na nag nanais na gumamit nito. Ibinahagi naman ni Dr. Randy Hautea, Director ng ISAAA at Global Coordinator SEAsiaCenter ang estado nang mga magsasaka na gumagamit ng pinag uusapan sa ngayon na Biotech Crops kung saan ang bilang nang mga gumagamit nito ay nasa 17.3 Million sa 28 na bansa at kabilang na ang Pilipinas, Pangatlo ang Pilipinas sa Top 3 Countries na gumagamit ng Biotech Crops, sinabi nya rin na ang Biotech Crops ay nagpapababa ng production cost, paggamit ng pesticide, pollution at nakakatulong din sa pagpapanatili at pagpapaganda ng Biodiversity.
Sa kabilang banda ibinahagi ni Dr. Cheng Xiang, Center for Chinese Agricultural Policy (CAS) ng China ang karanasan ni Dr. Xiaobing Wang sa paggamit ng Bt Cotton, Sa kanyang pagbabahagi sinabi niya na si Dr. Wang ay dating contracted experiment farmer ng Bt at Non Bt Cotton taong 1999 at nagsimulang mag focus sa Bt Cotton taong 2002, sa pag aaral na ginawa ni Dr. Wang sinabi niya na ang Bt Cotton ay nagpapababa ng pesticide at labour, At higit sa lahat pumapatay ng Bollworm, isang peste na kung saan ay naninira at pumapatay nang mga pananim na Crops higit sa lahat Cotton. Nakita din niya sa kanyang pagaaral nasa Bt Cotton ay mas malaki ang kikitain kaysa sa Non Bt Cotton. Maging si Dr. Charundatta Mayee, President ng Indian Society of Cotton Improvement (ISCI) ay sinasabi din na ang Bt Cotton ay mas mainam kaysa sa Non Bt Cotton dahil ito ay nagpapataas ng kita (income), at sinabi din nya na ang mga magsasaka ng Bt Cotton sa India ay mayroon ng 24 taon na karanasan sa pag tatanim nito at sila’y nagsimula lamang sa maliit na sakahan at sinabi din niya na higit sa 6 na taon na pagtatanim ng Bt Cotton nagawa nilang pababain ang Bollworm Spray at marami nang mga magsasaka ngayon sa kanilang bansa ang gumagamit ng nasabing Bt Cotton. Samantala naman sa Pilipinas ang Pagsusulong ng Bt Corn ay siya parin pinalalakas, ayun kay Dr. Cleofe Torres, Professor, Department of Development Communication, UPLB at Mr. Delson Sonza, Magsasaka sa Iloilo, ang paggamit ng Bt Corn ay nagbibigay ng malaking kita (income) sa magsasaka, nagpapababa ng production cost, at nagbibigay ng magandang bunga o ani, sinabi ni Dr. Torres na dapat magkaroon ng training or orientation ang mga magsasaka ng Pilipinas para maging aware sila sa mga bagay na dapat nilang malaman para sa pagpapaganda ng kanilang mga ani, sakabilang banda ibinahagi ni Dr. Torres ang kanyang pyramid na kung saan ay dapat pag-ukulan ng pansin (Farm Equipment, Financial, Farm Inputs and Price Regulation). Sa pagtatapos ng nasabing pagpupulong iminungkahi ni Dr. Rhodora Aldemita ng ISAAA na dapat alamin ang tao na nakagamit na ng new technology, bagay na dapat ipaalam sa mga tao na mag a-adopt ng new technology, patunay ng isang magsasaka na nakagamit na ng new technology at kung ano ang naging kagandahan sa kanila nito at kung sa paanong pamamaraan dapat magsimula, para naman sa pagsusulong ng Biotechnology ay may masabing basehan ang mga taong gagamit palang sa hinaharap.



               

Thursday, April 4, 2013

Pagdadalamhati Para Sa Pambansang Sayantist



Pagdadalamhati para sa “Pambansang Economista”

“National Scientist Onofre D. Corpuz”

                                         By: Rodel P. Cadion

Isang Pagdadalamhati ang ginanap noong ika-26 ng Marso taong 2013 para sa ating Pambansang Sayantist na si Dr. Onofre D. Corpuz na idinaos sa Our Lady of Consolacion Chapel sa Quezon City. Si NS Corpuz ay pumanaw noong ika-23 ng Marso taong 2013 sa edad na 86 due to cardiac arrest. Ito ay dinaluhan ng ibat-ibang mga tao mula sa Pilipinas, kabilang na dito ang pamilya ng dating yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, kapwa National Scientists, kapwa Academicians at pinuno ng ibat-ibang establishimento. Si NS Corpuz ay kilala sa larangan ng estatistika, siya ay kilalang ekonomista sa kanyang panahon at magpasa hanggang ngayon, dati na rin siyang nahalal na maging pinuno ng Department of Education at Development Academy of the Philippines at naging Southeast Asia Minister of Education. Isa rin siya sa tumulong sa pagpapaunlad ng bansa. Kilala si NS Corpuz sa husay niya sa pagaaral ng pagtaas at pagbaba ng supply at demand sa ating bansa. Minsan na rin siyang pinarangal bilang Akademisyan sa National Academy of Science and Technology taong 1999 at nabigyan ng natatanging parangal bilang isang National Scientist sa nasabi ding akademya,  isang parangal na iginagawad sa isang Pilipino na nakapag ambag ng natatanging husay at kaalaman para sa pag-papaunlad ng bansa.

Si NS Corpuz ay nagtapos sa University of the Philippines sa kursong Political Science at nagkamit ng parangal bilang magna cum laude taong 1950, M.A sa University of Illinois taong 1953 at Harvard University para sa kanyang Ph.D. taong 1955-1956. Minsan na rin siyang ginawaran ng Ph.D. honoris causa na iginawad ng Royal Chulalongkorn University ng Thailand. 

Hindi matatawaran ang ipinakita at ibinahagi ng ating Pambansang Sayantist na si Dr. Corpuz para sa bansa. Kaya naman mula sa kanyang pamilya, kaibigan, kasamahan sa trabaho at sa ating Pangulo, isang pasasalamat ang kanilang ibinahagi mula sa kanilang mensahe para sa isang natatanging guro, ama, kaibigan, pinuno, manunulat, alagad ng batas at Bayani. Maraming salamat National Scientist Onofre D. Corpuz.