Sunday, March 9, 2014

Araw ng Kababaihan idinaos sa Quirino Grandstand



Idinaos ang buwan ng mga kababaihan noong ika-08 ng Marso na ginanap sa Quirino Grandstand, Manila, Philippines. Layunin ng nasabing pagdiriwang na maipagmalaki ang kahusayan ng bawat kababaihan sa mundo sa anumang aspeto sa buhay at mabigyang ng sapat at pantay na respeto sa lipunan, sapagkat alam ng bawat isa na ang pagiging isang babae ay isang mahalagang tulong o kontribusyon sa mundo. Katuwang ng Philippine Commission on Women ang Coca-Cola Philippines at Arm forces of the Philippines sa nasabing pagdiriwang, at ang isa pa sa nais ng nasabing pagdiriwang ay makagawa ng record sa Guinness World Record na makabuo ng isang malaking symbolo ng kababaihan na may bilang na 10,000 mula sa partisipasyon ng bawat kababaihan. Dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, pribadong kumpanya at NGOs ang pagdiriwang na ito, sapagkat naniniwala sila na malaki ang kontribusyon ng kababaihan sa bansa.

Pinangunahan ni Ms. Emmeline Verzosa, Executive Director ng Philippine Commission on Women (PCW) ang nasabing pagdiriwang na kung saan nagbigay siya ng isang mensahe sa mga kababaihan na may panghihikayat na sa bawat pagsubok maging matatag at laging lumaban, Samantalang si Atty. Adel Tamano, Coca-Cola Philippines Vice-President for Public Affairs and Communications ay nagbahagi ng isang pagkilala sa mga kababaihan na kung saan ay nagkakaloob sila ng sari-sari store para sa mga kababaihan upang makatulong sa pagunlad sa buhay at higit sa lahat ay isinusulong din ng Coca-Cola Philippines ang kanilang programa na “5by20” na kung saan nagbibigay sila ng mga training programs sa mga kababaihan upang sa tantya nila na sa taong 2020 marami pa sa mga kababaihan ang may maayos at magandang negosyo hindi lang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 Ang pag diriwang na ito ay may tema na: “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong”. (Rodel Paches-Cadion)