Thursday, February 7, 2013

Anti Drug Campaign



Isang pagpupulong ang isinagawa sa Taguig City University, TCU Auditorium noong ikaw 6 ng Febrero 2013 na may temang “Barkada Kontra Droga” na dinaluhan nang mga ibat ibang Universidad sa Taguig City tulad ng Polytechnic University of the Philippines, Technological University of the Philippines, Saint Chamuel, Fisher Valley, STI College, Mount Moraya, Saint Francis of Assisi College. ang nasabing pag pupulong ay pinanguhan ni Asec. Benjamin P. Reyes ng Dangerous Drug Board, DDB na syang naging tagapagsalita sa nasabing pagpupulong.

Ibinahagi ni Asec. Reyes ang posibilidad na mangyari sa kabataan kapag ito ay nalululong sa masamang bisyo, dito sinabi ni Asec. Reyes na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nangangahulugan na merong iba sa iyong pamumuhay tulad ng problema sa pamilya o alok nang barkada, ngunit sinabi ni Asec. Reyes na hindi ito solusyon sa mga problema, bagkus dapat pag isipan kung papaano ito masosolusyunan.

Ibinahagi nya rin na sa kasalukuyan ang 90% na nakakulong na kabataan ay nahuli dahil sa paggamit ng ipinag babawal na gamot, dito sinabi nya rin na ang droga ay mukhang hindi masosolusyonan sapagkat kung noong panahon ni Pangulong Marcos ay meron na nito, ngunit naalis ang paggamit ng ipinag babawal na gamot ng minsan nyang parusahan ng kamatayan si Lim Sheng dahil sa drug trafficking ngunit muli itong lumaganap sa pamamagitan ng ibang katawagan tulad ng shabu, marijuana, cocaine at marami pang iba.

Ibinahagi din ni Asec. Reyes sa open forum na hindi basta-basta mawawala ang ipinagbabawal na gamot sapagkat kung mismo ang anay sa gobyerno ay namumuno sa paglaganap nito papaano ito masusugpo? Batid pa ni Asec. Reyes ay habang may mga “ANAY” na syang sumisira sa bahay ay unti-unti itong ibabagsak tulad ng mga namumuno sa gobyerno na syang pasimuno sa mga pag laganap ng nasabing ipinag babawal na gamot.

Sa kanyang pawawakas, nagbigay ito ng payo para sa mga kabataan na “hindi maiiwasan ang paggamit ng droga lalo na’t mahilig sumama sa barkada ngunit huwag nyo ng hintayin na kayo ay mahuli pa at dumating sa punto na parang nababaliw dahil sa matinding pagkalulong sa droga at hanggat maaga pa ay iwasan at lumayo sa ipinagbabawal na gamot”.

Sinabi nya rin na ang gobyerno ay hindi tumitigil at pilit na gumagawa pa ng iba pang proyekto na makakatulong para sa ating kabataan upang makaiwas sa ipinag babawal na gamot.

Sa kabilang dako nagbigay ng mensahe para sa kabataan ang Mayor ng Taguig City na si Hon. Maria Laarni “LANI” Cayetano. Sinabi nya na ang lungsod ng Taguig City ay hindi tumitigil sa pagpuksa ng ipinagbabawal na gamot sa nasabing lungsod. At bilang Mayor ay hindi niya hahayaan na malulong ang kabataan ng lungsod ng Taguig sa droga bagkus makikipag komunikasyon siya sa mga ibat ibang sangay ng gobyerno upang makagawa ng mga ibat-ibang proyekto para sa kabataan ng taguig at sinabi nya rin na sa kanyang isinusulong na proyekto para sa pamilya ay tutulungan din nyang maihatid ang tamang pag papalaki at paggabay sa mga kabataan sapagkat sinabi niya na ang bahay ay ang unang paaralan na makakapagturo ng tamang gawi sa kabataan. [Rodel P. Cadion]

Pinoy Biotech Products: Contributing to Sustainable Agriculture, Improved Health, and Better Environment



Ang Southeast Asian Regional Center for Agriculture, (SEARCA) ay nagsagawa ng isang pag-pupulong sa House of Representatives noong ika 21 ng Enero taong 2013 na may temang “Pinoy Biotech Products Contributing to Sustainable Agriculture, Improved Health and Better Environment”, ito ay binuo sa tulong nang National Academy of Science and Technology, Agham Party List, Butil Party List, International Service for the Acquisition of Agri-Biotech, at University of the Philippines Los BaƱos.

                Ito ay dinaluhan nang mga media reporters mula sa iba’t ibang pahayagan. dito pinangunahan ni Academician Evelyn Mae Tecson-Mendoza unang tagapag-salita, kung ano ang kahalagahan at gaano kahalaga ang makabagong teknolohiya sa ating bansa sa ngayon at kung gaano na ba katagumpay ang isinasagawang pagaaral mula sa Bt Corn at kung ito ba ay maganda para sa kalusugan ng mga tao?

          Dito ipinahayag din ng Presidente ng Southeast Asian Regional Center for Agriculture, SEARCA na si Dr. Nina Gloriani kung gaano na ba kataas ang pursiyento ng Pilipinas sa paggamit nang mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim upang mapaganda ang bawat tubo nang mga itinatanim.

          Sa kabilang banda si Ms. Rosalie Ellasus, isang magsasaka sa Pangasinan nagbahagi ng kanyang mga napagdaanan bilang isang magsasaka, siya ay isa sa mga Pilipino na nabigyan na nang mga parangal dahil sa kanyang magandang hangarin para sa pag papaunlad ng ekonomiya nang bansa.

          Dito ibinahagi rin ni Ms. Lyn Resurrecion dating Presidente ng Philippine Science Journalists Association, Inc. na hindi basta-basta ang trabaho nag isang mamamahayag, sapagkat kailangan detelyado at tama ang kanilang mga ilalathalang balita lalo na pag ito ay tungkol sa gobyerno at sa siyensya at teknolohiya.

          Ngunit sa pagtatapos nang usapin sa loob nang bulwagan sinabi ni Congressman Agapito Guanlao nang Butil Party List, na minsan huwag pahirapan ang publiko sa pag intindi nang mga inilalabas na balita sapagkat minsan dito nagkakaroon nang mga hindi pag kakaunawaan na nagiging dahilan upang mabalewala ang kanilang mga isinusulong na pagbabago.

          Sa Kabilang dako, binuksan ang exhibit sa House of Representative – North Wing na pinanguhan nila Cong. Angelo Palmones nang Agham Party List, Cong. Agapito Guanlao nang Butil Party List, Cong. Jules Ledesma Chairman nang House of Science and Technology Committee at Doktor Reynaldo Ebora Direktor nang Biotech sa Unibersidad ng Philipinas.