Ang
Southeast Asian Regional Center for Agriculture, (SEARCA) ay nagsagawa ng isang
pag-pupulong sa House of Representatives noong ika 21 ng Enero taong 2013 na may
temang “Pinoy Biotech Products Contributing to Sustainable Agriculture,
Improved Health and Better Environment”, ito ay binuo sa tulong nang National Academy of Science and Technology,
Agham Party List, Butil Party List, International Service for the
Acquisition of Agri-Biotech,
at University of the Philippines Los BaƱos.
Ito ay
dinaluhan nang mga media reporters mula sa iba’t ibang pahayagan. dito pinangunahan
ni Academician Evelyn Mae Tecson-Mendoza unang tagapag-salita, kung ano ang kahalagahan
at gaano kahalaga ang makabagong teknolohiya sa ating bansa sa ngayon at kung
gaano na ba katagumpay ang isinasagawang pagaaral mula sa Bt Corn at kung ito
ba ay maganda para sa kalusugan ng mga tao?
Dito ipinahayag din ng Presidente ng Southeast
Asian Regional Center for Agriculture, SEARCA na si Dr. Nina
Gloriani kung gaano na ba kataas ang pursiyento ng Pilipinas sa paggamit nang
mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim upang mapaganda ang bawat tubo nang
mga itinatanim.
Sa kabilang banda si Ms. Rosalie
Ellasus, isang magsasaka sa Pangasinan nagbahagi ng kanyang mga napagdaanan
bilang isang magsasaka, siya ay isa sa mga Pilipino na nabigyan na nang mga
parangal dahil sa kanyang magandang hangarin para sa pag papaunlad ng ekonomiya
nang bansa.
Dito ibinahagi rin ni Ms. Lyn
Resurrecion dating Presidente ng Philippine Science Journalists Association,
Inc. na hindi basta-basta ang trabaho nag isang mamamahayag, sapagkat kailangan
detelyado at tama ang kanilang mga ilalathalang balita lalo na pag ito ay
tungkol sa gobyerno at sa siyensya at teknolohiya.
Ngunit sa pagtatapos nang usapin sa
loob nang bulwagan sinabi ni Congressman Agapito Guanlao nang Butil Party List,
na minsan huwag pahirapan ang publiko sa pag intindi nang mga inilalabas na
balita sapagkat minsan dito nagkakaroon nang mga hindi pag kakaunawaan na
nagiging dahilan upang mabalewala ang kanilang mga isinusulong na pagbabago.
Sa Kabilang dako, binuksan ang exhibit
sa House of Representative – North Wing na pinanguhan nila Cong. Angelo
Palmones nang Agham Party List, Cong. Agapito Guanlao nang Butil Party List,
Cong. Jules Ledesma Chairman nang House of Science and Technology Committee at
Doktor Reynaldo Ebora Direktor nang Biotech sa Unibersidad ng Philipinas.
No comments:
Post a Comment