Monday, May 20, 2013

Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista"


 By: Rodel P. Cadion

Sa pakikipag-panayam ng www.diaryongtagalog.com kay Dr. Leslie Delmacio na isa rin Professor sa College of Medicine ng University of The Philippines Manila, Isang pagliliwanag at pag kaklaro ang hiningi namin mula sa maling impormasyon ng commercial ni Heart Evangelista na Creamsilk Conditioner sapagkat nasabi dito na “keratin, the DNA of Hair health and beauty“ naayon kay Dr. Dalmacio hindi naman daw DNA of Hair ang Keratin, Sapagkat ang keratin ay protein na nanggagaling sa DNA. Sa pagsasalaysay ni Dr. Dalmacio kaniya pang idinagdag na kanila nang sinulatan ang Creamsilk Company na kung saan ay kanila lang niliwanag ang dapat na itama sa nasabing commercial, sapagkat mali daw ang kanilang linya na kung saan ito ay binigyan buhay ni Ms. Heart Evangelista, ngunit walang sagot mula sa kanilang sulat na ipinadala. Ayon kay Dr. Dalmacio sana sa mga endorser company ay kanila muna ikunsulta ang kanilang ilalabas na impormasyon sa publiko sa isang eksperto at higit sa lahat aralin mabuti ang script na gagawin, sapagkat kung minsan nagkakaroon ng maling interpretasyon ang mga publiko o masa sa mga lumalabas na impormasyon sa telebisyon.

Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba?


By: Rodel P. Cadion

Nakapanayam ng www.diaryongtagalog.com ang isa sa doktor at professor ng College of Medicine, University of the Philippines Manila na si Dr. Leslie Dalmacio ukol sa mga balita ngayon mula sa “Stem Cells Therapy”, dito hiningi namin ang kanyang opinionkung ito ba ay talagang epektibo sa taong may sakit at ito ba aytalagang malaki ang maitutulong sa tao?, Sinabi ni Dr. Leslie Dalmacio na malaki ang maitutulong nito sa taong may sakit ngunit wala pang magandang pag aaral at pag susuri kung gaano ba ito ka epekto at kung gaano ba katagal ito magiging epektibo sa tao at higit sa lahat kung ano ba ang magiging side-effect nito sa taong dumaan sa ganitong proseso. Sinabi din nya na makikita naman natin sa ngayon kung ano ang epekto ng Stem Cells Therapy sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Hon. Joseph Ejercito Estrada, napag alaman namin na ang dating pangulo ng Pilipinas ay dumaan sa nasabing operasyon na kung saan stem cells ng tupa ang isinalin sa kanya at hindi maipag kakaila dahil kitang kita naman kung ano ang pinag bago at naging epekto nito sa nasabing pangulo, Niliwanag din ni Dr Dalmacio na ang ganitong proseso o operasyon ay hindi isang permanenteng operasyon sapagkat wala pang pag susuri o pag aaral kung ito ba ay pwedeng gawin permanent o hindi, dahil sabi nga ni Dr. Delmacio bilang doktor gusto nila na maging permanent ang ganitong operasyon sapagkat may pagkamahal ang ganitong proseso, ito ay aabot sa 1.5M to 2M kung saan masyadong mahal para sa mga gustong dumaan sa ganitong opersyon na hindi naman permanente sa tao. Kaya ang payo ni Dr. Dalmacio sa mga taong gustong dumaan sa ganitong operasyon ay mag isip muna ng mabuti at mag tanong muna sa eksperto na doktor kung ano na ba ang pag aaral sa ngayon sa Stem Cells Therapy para sa bandang huli hindi kayo mag sisi at wala kayong sisisihin, dahil ang doktor ay ginagawa lang ang kanilang mga trabaho sa abot nang kanilang makakaya.